Miyerkules, Oktubre 17, 2012

Madilim na Umaga

ESPASYO - Isang araw sa paggising mo, nangangamba ka na sa bawat umaga na darating ay pangungulila at magiging makirot ang bawat alaala ng kahapon. Hahakbang ka ba sa pintong tinahak ng mahal mo, o mananatili sa kinatatayuan mo habang yakap ang EGO. (Photo by: Marc Russell / Caption by: Arem Cesar)


Umaga na.Gigising ba ako?
Kahit alam kong wala ka na.
Paano makukumpleto ang almusal ko?
Ngayong wala na ang ngiti mo...

Magsisimula ba ang araw na ito,
Na di ka man lang matatanaw?
at di na kailan man matatanaw,
pagkatapos nito.

Ilang umaga pa na ganito?
Mula ng gabing inulila mo’ko.
Gigising na ba ako
o pahahabain ko na lang
ang gabing nasa alaala pa kita...


Tag-Ulan sa Ilalim ng Dahon ni Comrade

1 komento:

  1. Gigising at gigising pa din ako...hindi ko hahayaan na tumigil lamang sa kahapon..na sadyang alam ko dapat ng itapon. Sapagkat...datapwat...ngunit..bakit...darating din ang umaga na may isang bukod tanging ngiting babati sa akin sa muli kong paggising...

    TumugonBurahin