Miyerkules, Oktubre 17, 2012

Niig


TARA - Paano mo idaraos ang gabing puno ng kalungkutan, habang tinatanaw ang espasyong iniwan nya mula ng araw na siya ay lumisan? Isasamo mo ba ang bawat alaala niya at iguguhit ng iyong palad, hanggang mairaos mo isa na namang gabi ng pangungulila. (Photo by: Arem Cesar / Caption by: Arem Cesar) 



Nananabik ako na muli mong hawakan.
Para madama ang init mong
pupukaw sa'king kalungkutan.

Hawakan mo ako at isayaw
sa ritmo na tayong dalawa lang ang may alam.
Sa saliw ng musika ng katahimikan, pananabik
at pag-angkin sa espasyo
na sa'yo lamang inilalaan.

Ngayong gabi iintayin kita.
Sa ating tagpuan.



Tag-Ulan sa Ilalim ng Dahon ni Comrade

2 komento:

  1. Patuloy mo pa din sinasaktan....sa patuloy na pag aaasam...sa paghihintay sa dati nyo pa din tagpuan. STOP! LOOK AND LISTEN!

    TumugonBurahin
  2. init lang ng katawan ang iyong nararamdaman

    TumugonBurahin